Bilang ng close contacts ng unang Omicron BA.2.12 case sa bansa umakyat sa 44

Bilang ng close contacts ng unang Omicron BA.2.12 case sa bansa umakyat sa 44

Umakyat sa 44 ang natukoy ng Department of Health (DOH) na close contacts ng babaeng dayuhan na naging kauna-unahang carrier ng Omicron BA.2.12 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isinagawang contact tracing, 9 sa mga close contacts ay natukoy sa Quezon City, 5 sa Benguet, at 30 ay kasabay nito sa eroplano nang bumiyahe patungong Pilipinas.

Sasailalim sa tests ang lahat ng close contacts.

Una nang sinabi ng DOH na sa siyam na unang natukoy na close contacts, dalawa sa kanila ang nag-negatibo na sa tests.

Ang 52-anyos na babae mula Finland na ay nagpositibo sa nasabing variant ng COVID-19.

Hindi dumaan sa routine isolation sa quarantine facility ang dayuhan dahil siya ay fully vaccinated at asymptomatic nang dumating sa bansa.

Nagtungo muna ang dayuhan sa isang unibersidad sa Quezon City at saka bumiyahe sa Baguio City.

Natapos ng dayuhan ang kaniyang 7-day isolation at gumaling na sasakit. Nakabalik na ito sa Finland noong April 21, 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *