TINGNAN: Bb. 33 Justinne Punsalang nakaboto na
Bumoto na sa pamamagitan ng local absentee voting si Binibining Pilipinas candidate No. 33 Justinne Punsalang.
Bilang isang mamamahayag, si Punsalang ay pinapayagang makaboto sa ilalim ng local absentee voting ng Commission on Elections (Comelec).
Hinikayat ni Punsalang ang publiko na bumoto at pumili ng tama na magiging susunod na mga lider ng bansa.
“Today, I am neither a journalist nor a beauty queen — but a Filipino who did her duty to the country by casting her vote. Vote that is based on facts and the truth, on track record and credibility, not on mis- and disinformation all over the internet. Tomorrow is the last day of local absentee voting and on May 9, the whole of the Philippines will decide who our next leaders will be. Your vote matters. Choose wisely,” ayon kay Punsalang.
Maliban sa mga miyembro ng media, maari ding bumoto sa local absentee voting ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno na maninilbihan sa mismong araw ng eleksyon.
Nagsimula ang local absentee voting noong April 27 at tatagal ito hanggang bukas, April 29. (DDC)