TINGNAN: Bagong City Hall ng Antipolo target mabuksan sa publiko sa Hulyo
Patapos na ang konstruksyon ng bagong City Hall ng Antipolo City sa Rizal.
Mas maluwag at siyam na palapag ang bagong Antipolo City Hall Building.
Ayon sa Antipolo City LGU, mas magiging maginhawa na ang mga transaksyon sa sandaling mabuksan na ito sa publiko.
Target na mabuksan ang bagong city hall building sa buwan ng Hulyo. (DDC)