Unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa bansa na-detect ng DOH sa Baguio City

Unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa bansa na-detect ng DOH sa Baguio City

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), na isang dayuhan sa Baguio City ang nagpositibo sa Omicron-BA.2.12 variant ng COVID-19.

Ito ang kauna-unahang kaso ng nasabing variant ng sakit sa bansa.

Ang Omicron-BA.2.12 ay sublineage ng Omicron variant at naideklara nang kabilang sa variant of interest o variant of concern ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa DOH, ang mutation na ito ng COVID-19 ay may mas mataas na transmissibility rate pero wala pang ebidensyang nagpapakita na ito ay mas severe o mas delikado.

Ayon sa DOH, ang pasyente ay isang 52 anyos na babae mula Finland na bumiyahe sa Baguio City para sa isang lecture hinggil sa digital loom weaving.

Hindi dumaan sa routine isolation sa quarantine facility ang dayuhan dahil siya ay fully vaccinated at asymptomatic nang dumating sa bansa.

Nagtungo muna ang dayuhan sa isang unibersidad sa Quezon City at saka bumiyahe sa Baguio City.

Siyam na araw matapos ang pagdating niya sa bansa ay nakaranas siya ng mild symptoms gaya ng pananakit ng ulo at sore throat.

Natapos na din ng dayuhan ang kaniyang 7-day isolation at gumaling na sasakit. Nakabalik na ito sa Finland noong April 21, 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *