Guidelines para sa Oath-Taking Ceremony ng mga bagong abogado inilabas ng SC; mga hindi pa bakunado kailangang sumailalim sa swab test

Guidelines para sa Oath-Taking Ceremony ng mga bagong abogado inilabas ng SC; mga hindi pa bakunado kailangang sumailalim sa swab test

Nagpalabas na ng guidelines ang Korte Suprema para sa idaraos na Oath-Taking Ceremony sa mga bagong abogado na nakapasa sa katatapos lamang na Bar Examinations.

Sa abiso ng SC, sa May 2, 2022 magaganap ang Oath-Taking, ala 1:00 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena.

Ang attendance sa nasabing aktibidad ay limitado lamang para sa mahistrado ng Korte Suprema, inductees, examiners, law school deans, iba pang opisyal ng SC at mga organizers.

Ang kasama ng mga manunumpa ay maaring manatili sa SMX Convention Center Manila kung saan magkakaroon ng live feed ng seremonya. Isang guest lamang kada inductee ang papayagan.

Ayon sa SC, lahat ng fully vaccinated ay kailangang magpakita ng orihinal o digital copy ng kanilang vaccination card o vaccination certificate pagdating sa venue.

Kung hindi bakunado o partially vaccinated lamang, kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT PCR test na ipinakuha 48 hours bago ang seremonya.

Kukuhanan din ng temperatura ang mga attendees at required silang magsuot ng face masks. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *