Batas na magbibigay kompensasyon sa mga biktima ng Marawi Siege inaprubahan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng kompensasyon sa pagkawala at pagkawasak ng mga ari-arian at pagkawala ng mga buhay sa nangyaring 2017 Marawi Siege.
Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, sa ilalim ng Republic Act No. 11696, bubuo ng isang independent at quasi-judicial body na tatawaging Marawi Compensation Board na pamumunuan ng isang chairman at walong mga miyembro na itatalaga ng pangulo.
Ang mga mayroong pag-aaring bahay, cultural, at commercial structures na naapektuhan noong Marawi Seige ay makatatanggap ng tax-free compensation mula sa pamahalaan. ‘
Bibigyang kompensasyon din ng gobyerno ang mga may-ari ng private properties na kinailangang i-demolish para sa pagpapatupad ng the Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program. (DDC)