Pilipinas maaring muling makaranas ng surge ng COVID-19 sa susunod na 2 linggo hanggang 1 buwan

Pilipinas maaring muling makaranas ng surge ng COVID-19 sa susunod na 2 linggo hanggang 1 buwan

Nagbabala si Vaccine czar sec. Carlito Galvez Jr. sa publiko sa posibleng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na dalawang linggo hanggang isang buwan.

Sa kaniyang presentasyon sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, binanggit ni Galvez ang muling pagtaas ng COVID-19 cases sa South Africa dahil sa Omicron variant.

Sinabi ni Galvez na unang naranasan ng South Africa ang bagsik ng Omicron variant noong November 2021 at naulit ngayong buwan.

Hindi aniya malayong mangyari din ito sa Pilipinas na unang nakaranas ng bagsik ng Omicron variant noong Disyembre hanggang Enero.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagaman nitong mga nagdaang linggo ay nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay hidni dapat magpaka-kampante ang publiko.

Hinikayat ni Duterte ang publiko na makinig sa mga eksperto sa siyensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *