3.6 million doses ng expired na COVID-19 vaccine papalitan ng COVAX facility – DOH
Pumayag ang COVAX facility na palitan ang 3.6 million expired COVID-19 vaccine doses sa bansa nang walang dagdag na babayaran ayon kay Health Sec. Francisco Duque III.
Sa taped Talk to the People ni Pangulong Rodrigu Duterte, sinabi ni Duque na nakipag-usap na sila sa mga kinatawan ng COVAX para hilingin na palitan ang mga expired na bakuna.
Ayon kay Duque, maliban sa mga donasyong bakuna na expired na ay hiniling din nilang mapalitan ang mga binili ng pamahalaan na na-expire din.
Sinabi ni Duque na mayroong stockpile ng bakuna ang COVAX na mas mahaba ang shelf life.
Ang 3.6 million doses na expired na bakuna sa bansa ay kumakatawan sa 1.46 percent ng total inventory ng mga bakuna kontra COVID-19. (DDC)