Mahigit 2.7 milyon na mag aaral nakapagparehistro na para sa School Year 2022-2023
Umabot na sa kabuuang bilang na 2,729,107 ang nagpa-early register na mga mag-aaral para sa susunod na SY 2022-2023.
Ang nasabing datos ayon sa Department of Education (DepEd) ay mga mag-aaral na papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11.
Pinakamarami nang nakapagparehistro sa Region 4A o Calabarzon na mahigit 265,031 kasunod ang Bicol Region na mahigit
239,672.
Hinimok ng DepEd ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak.
Ginagawa ang early registration sa mga public school para mapaghandaan ng mga paaralan ang bilang ng mga papasok na estudyante sa parating na school year.
(DDC)