Mga apela hinggil sa pasya ng SC sa mga petisyon vs Anti-Terror Law pinal nang ibinasura

Mga apela hinggil sa pasya ng SC sa mga petisyon vs Anti-Terror Law pinal nang ibinasura

Denied with finality na ang mga mosyon na inihain sa Korte Suprema kaugnay naging pasya ng Mataas na Hukuman tungkol sa Anti-Terror Law.

Sa isinagawang en banc deliberations ng mga mahistrado, napagpasyahan na pinal na ibasura ang consolidated motions for reconsideration sa Dec, 7, 2021 decision ng SC sa mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng RA 11479 o Anti Terrorism Act of 2020.

Lack of substantial issues and arguments ang binanggit na rason ng Korte Suprema sa pagbasura sa mga mosyon.

Ayon sa SC, nanindigan ang mga mahistrado sa kanilang naging boto noong Dec. 7, 2021 decision na isinulat ni dating Associate Justice Rosmari Carandang.

Pinaburan din ng bagong talaga na SC Justice na si Antonio Kho ang pasya ng mayorya. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *