Second booster ng COVID-19 naibigay sa ilang hindi pa kwalipkadong tumanggap nito

Second booster ng COVID-19 naibigay sa ilang hindi pa kwalipkadong tumanggap nito

Kinumpirma ng Department of Health na mayroong ospital sa Metro Manila ang nakapagbigay ng ikalawang booster dose ng COVID-19 vaccine sa mga health worker at senior citizens na hindi pa kwalipikadong tumanggap nito.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, na-misinterprent ng management ng ospital ang guidelines para sa pagbibigay ng second booster.

Dapat ay para muna sa mga immunocompromised health workers at seniors ang ikalawang booster dose.

Sinabi ng DOH na ang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ay ang amended EUA kung saan ang mga senior citizens, front-line healthcare workers, at ICPs ay maaring mabigyan ng 2nd booster.

Sa ngayon sinabi ng DOH na tanging ang rekomendasyon pa lamang para sa ICPs ang nakukumpleto ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Patuloy naman ang pag-review ng HTAC ng mga ebidensya at kapakinabangan ng second booster para sa mga senior citizens at HCWs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *