Sampung milyong piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes nai-release na ng BSP

Sampung milyong piraso ng bagong P1,000 polymer banknotes nai-release na ng BSP

Unti-unti nang sinimulan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-iisyu ng bagong bagong P1,000 polymer banknotes.

Ayon sa BSP, sampung milyong piraso ng bagong polymer banknotes ang nakatakda nang lumabas sa sirkulasyon.

bago i-release sa mga bangko, nagsagawa muna ang BSP ng technical briefings sa mga bank personnel, machine suppliers, at cash-in-transit service providers.

Ito ay para mabigyang kaalaman sila sa disenyo at security features ng bagong polymer banknotes.

Kabuuang 500 million na piraso ng polymer banknotes ang inaasahang mailalabas sa sirkulasyon pagsapit ng 2023.

Patulog naman ang paalala ni BSP Governor Benjamin E. Diokno na mananatili sa sirkulasyon at maari pa ring gamitin sa mga transaksyon ang lumang P1,000 bill. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *