“PNP Officer” statue na gawa sa scrap gun parts, pinasinayaan sa Camp Crame
Pinasinayaan ng Philippine National Police (PNP) ang “PNP Officer” statue na itinayo sa loob ng Camp Crame, Quezon City.
Ang life-size sculpture ay likha ng Filipino artist na si Mario “Ram” Mallari Jr.
Ayon kay PNP chief PGen. Dionardo Carlos, gawa ito mula sa 250 kilograms ng demilitarized at mga hindi na maaring ma-repair na mga firearms metal parts.
Si Mallari Jr. din ang lumikha sa larger-than-life Lapu-Lapu statue mula sa scrap gun parts na nakikita sa Camp Crame façade.
Ayon sa PNP, ang estatwa ay kumakatawan sa modern Filipino police officer na araw-araw nagpapatrulya, suot ang kaniyang General Office Attire (GOA) uniform at equipment belt. (DDC)