World’s oldest person, pumanaw sa Japan sa edad na 119
Pumanaw na sa edad na 119 ang Japanese national na itinuturing na world’s oldest person.
Si Kane Tanaka ay isinilang noong January 2, 1903 at noong 2019, itinanghal siya ng Guinness World Records bilang oldest living person.
Pumanaw si Tanaka sa ospital sa Fukuoka City, Japan.
Sa datos ng pamahalaan ng Japan, noong Setyembre 2021, mayroon itong mahigit 86,000 na centenarians at karamihan dito ay babae.
Sa pagpanaw ni Tanaka, sinabi ng Guinness na ang record bilang Oldest living person ay hawak na ngayon ng 118 years old na madre sa France na si Sister Andre.
Ipinanganak si Sister Andre noong February 11, 1904 at siya rin ang pinakamatandang madre sa mundo at oldest person din na nakaligtas sa COVID-19. (DDC)