Mahigit 372,000 na balota, depektibo ayon sa Comelec
Mayroong 372,878 na mga balota ang depektibo ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Commissiooner George Garcia, ang nasabing bilang ay 0.58 percent lang ng kabuuang bilang ng mga balota.
Mayroon kasing 64,442,616 na mga balota na inimprenta para May 9 elections.
Sinabi ni Garcia na “subject for reprinting” o muling iimprenta ang mga balotang depektibo.
Ayon sa opisyal, tatapusin lamang ang reprinting gayundin ang pag-imprenta sa iba pang forms.
Matapos ito ay magsasagawa naman ng “destruction” o pagsira sa mga depektibong balota.