Kauna-unahang self-driving bus sa Scotland malapit nang magamit
Sasailalim na sa road test ang kauna-unahang self-driving bus sa Scotland.
Ang kumpanyang Stagecoach ang magsasagawa ng on-road testing sa bus bago ito ganap na maipagamit sa mga pasahero.
Ayon sa regional director ng kumpanya na si Sam Greet, ito ang magiging kauna-unahang full-szed autonomous bus service sa United Kingdom.
Target na unang makapagpa-operate ng limang sinle-deck autonomous buses sa iba’t ibang parte ng Scotland.
Kaya nitong magsakay ng hanggang 36 na pasahero. (DDC)