Mayor Isko Moreno hindi hihingi ng paumanhin kay VP Leni Robredo

Mayor Isko Moreno hindi hihingi ng paumanhin kay VP Leni Robredo

Nanindigan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi siya hihingi ng paumanhin matapos manawagan kay Vice President Leni Robredo na umatras sa presidential race at sa pagtawag niya rito na “No. 1 bully”dahil hindi marunong rumespeto at nangmamaliit ng tao.

“Ang tanong ko, kayo lang ba ang may karapatan tumakbo? Kayo lang ba ang may karapatan na maging kandidato sa pagkapangulo? Kayo lang ba ang magaling? (My question is: Are you the only one who has the right to run for president? Are you the only good one?),” sabi ni Moreno sa isang ambush interview sa Bohol.

Inakusahan ni Domagoso si Robredo at mga supporters nito na mga bully, kasabay ng pagtukoy mga insidente kung saan pinagbantaan umano ng pro-Robredo businessmen ang kanilang mga empleyado na sisibakin sa trabaho kapag ibang kandidato ang sinuportahan.

“Some of them said ‘no to bully,’ but Leni is the No. 1 bully. That’s why I’m against bullies. They crossed the line, so I will not stop going after them. They burned the bridges. They do not respect you. They look down on you. That’s why people do not like them,” dagdag pa ng alkalde.

Nanawagan din si Domagoso kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na “stop answering. Let your boss respond or maybe let her answer with the help of a teleprompter.”

Hinamon din niya si Robredo na itanggi na kinausap siya ng kampo nito, maging ang iba pang presidential candidates na sina Senador Panfilo Lacson at dating National Security Adviser Norberto Gonzales na umatras sa halalan.

Kasama sa hinamon ni Domagoso ang campaign manager ni Robredo na si dating Senador Bam Aquino, na itanggi rin nito ang withdrawal call na isiniwalat niya at nina Lacson at Gonzales noong Easter.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *