213 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 213 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo, July 11, sumampa na sa 32,569 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,669 ang active cases at 30,496 naman ang gumaling.
406 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 213 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (67)
Eastern Samar (57)
Tacloban City (47)
Ormoc City (14)
Samar (12)
Southern Leyte (8)
Northern Samar (4)
Biliran (4) / (Dona Dominguez-Cargullo)