Agarang pagtugon sa water related issues sa Asia-Pacific, ipinanawagan ni Pangulong Duterte
Sa ginanap na 4th Asia-Pacific Water Summit sa Kumamoto City, Japan nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa agarang aksiyon upang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa tubig na kinakaharap ng Asia-Pacific region.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat na magdesisyon ang mga bansa sa rehiyon para sa kapakanan ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
Ayon sa pangulo, kailangang magkaroon ng sustainable water management, kooperasyong pang-rehiyon para sa pagpapaunlad at paglipat ng teknolohiya, at pagbuo ng malakas na relasyon sa pagitan ng mga strategic partners upang matiyak ang pagsunod sa kapaligiran at makatarungang regulasyong pang-ekonomiya.
Isinulong din ng pangulo sa iba’t ibang pandaigdigang fora na kailangan ng mga mauunlad na bansa na bayaran ang mga umuunlad pa lamang na bansa na nagdurusa dahil sa epekto ng climate change. (DDC)