Tatlo sugatan sa pagsabog sa bus sa Maguindanao

Tatlo sugatan sa pagsabog sa bus sa Maguindanao

Nasugatan ang tatlong pasahero makaraang sumabog ang isang improvised explosive device sa loob ng isang bus na nakaparada sa bahagi ng Parang, Maguindanao.

Ayon kay Parang Police chief, Lt. Col. Joseph Macatangay, nangyari ang pagsabog sa Rural Tour bus 8:45 ng umaga ng Linggo, Apr. 24.

Nag-stop over sa bahagi ng Brgy. Making ang bus para mag-almusal ang driver, konduktor at mga pasahero nito nang nangyari ang pagsabog..

Galing ang bus sa Cotabato City at patungo na sana ng Dipolog City nang maganap ang insidente.

nabatid naman na kabilang sa mga sakay ng bus ang mga delagado sa National Invotational Sports Competition ng Sepaktakraw.

Sa post sa Facebook ng netizen na si “Ben Snow” sa ilalim ng kanilang upuan nagmula ang sumabog na IED.

Sinabi ng netizen na ligtas silang lahat at stable na ang isa nilang player na nasugatan na si John Paul Carpio. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *