Pagdo-donate ng 5 million doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Myanmar tuloy na ayon sa DOH
Tiyak na ang pagdo-donate ng Pilipinas ng 5 million doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Myanmar.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamahalaan ng Myanmar para sa donasyon.
Ang nasabing mga bakuna ay ido-donate ng Pilipinas dahil malapit nang ma-expire ang mga ito.
Hindi pa naman nagsisimula ayon kay Vergeire ang pakikipag-usap sa Papua New Guinea para din sa donasyon ng mga bakuna.
Sinabi ni Vergeire na nabanggit lamang ang PNG bilang isa sa mga bansa na maaring maging recipients ng mga bakuna. (DDC)