Pagsasara ng Macapagal Blvd., hindi panggigipit sa supporters ni VP Robredo ayon sa MMDA

Pagsasara ng Macapagal Blvd., hindi panggigipit sa supporters ni VP Robredo ayon sa MMDA

Nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasara pansamantala ng Macapagal Boulevard hanggang sa April 24.

Paliwanag ng MMDA, ang pagsasara ng nasabing kalsada ay hindi panggigipit o para pigilan ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo sa pagdalo sa grand rally sa Sabado, Abril 23.

Ipinaliwanag ng MMDA na pagsasara ay kahilingan mismo ng organizers ng grand rally na pinayagan naman ng Pasay LGU.

Sinabi rin sa paliwanag na bagaman batid ng MMDA na magdudulot ito ng traffic ay hindi tumutol ang ahensya sa panukala.

Ang bahagi ng naturang kalsada ay sarado na simula noong April 19 para isagawa ang mga paghahanda sa rally.

Nagtatayo ng kasi ng malaking entablado sa lugar kaya’t isang lane lamang ang madaraanan sa kalsada.

Ang buong kalsada ay isasara sa mismong araw ng rally dahil inaasahang maookupa ito ng mga dadalong supporters.

Muli itong isasara kinabukasan, Abril 24, upang bigyang-daan ang pagbabaklas ng entablado.

Ayon sa MMDA, ng pagsasaayos sa daloy ng traffic sa lugar ay base sa kasunduan ng organizers at ng lokal na pamahalaan ng Pasay City.

Ang tanging partisipasyon lamang ng MMDA ay ang pagpapatupad ng traffic management at pag-aanunsiyo sa publiko patungkol sa road closure upang maiwasan ng mga motorista ang pagdaan sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *