Bagong P1,000 banknotes, ‘not for sale’ ayon sa BSP
Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ‘not for sale’ ang bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer.
Ayon sa BSP, kalaunan ay lalabas na rin ang maraming bagong P1,000 bills sa sirkulasyon.
Sa pahayag sinabi ng BSP na hindi dapat bilhin sa mas mataas na halaga ang bagong P1,000 bill.
Simula ngayong buwan ng Abril ay unti-unti na itong ilalabas sa sirkulasyon.
Kailangan muna ayon sa BSP na mai-calibrate ang mga ATM at iba pang cash processing machines para makayanan ng mga ito na mag-dispense ng bagong 1000-piso polymer banknotes.
Mananatili pa rin naman sa sirkulasyon ang kasalukuyang 1000-Piso paper banknote at puwede pa ring magamit sa transaksyon. (DDC)