DILG maglalabas ng Show Cause Order laban sa LGU ng Aklan kung mabibigong ipatupad ang tourist capacity sa Boracay

DILG maglalabas ng Show Cause Order laban sa LGU ng Aklan kung mabibigong ipatupad ang tourist capacity sa Boracay

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang lokal na pamahalaan ng Aklan na ipatupad ng mahigpit ang tourist capacity sa Boracay.

Ayon kay Año, dapat ay mahigpit na nasusunod ang daily visitor threshold sa Boracay.

Kung hindi makasusunod dito ang LGU nagbabala si Año na iisyuhan ito ng Show Cause Orders (SCO) dahil sa kapabayaan.

“Hindi tayo magdadalawang-isip na mag-issue ng SCO sa mga opisyal ng LGU (local government unit) na magsasawalang-bahala sa mga umiiral na kautusan sa isla ng Boracay. We cannot go back to square one especially now that we are still in the middle of a pandemic. Our efforts to rehabilitate and reverse the ecological degradation of the island will all be futile if we become negligent in complying with the guidelines set by National Government,” sinabi ni Año.

Hinimok ni Año ang Provincial Government of Aklan at ang munisipalidad ng Malay, Aklan na paigtingin ang pagpapatupad ng daily threshold na 19,215 para sa tourista sa Boracay.

Ang pahayag ay ginawa ni Año matapos ang ulat na umabot ng mahigit 20,000 ang turista sa Boracay nitong nagdaang Holy Week.

Sa liham ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat kay Año, sinabi nitong ang Boracay Island tourist arrivals noong April 14 ay umabot sa 21,252 at umabot naman sa 22,519 noong Good Friday, April 15. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *