COVID-19 patients hindi papayagang lumabas ng isolation facilities para bumoto sa May 9

COVID-19 patients hindi papayagang lumabas ng isolation facilities para bumoto sa May 9

Imposible na payagan ang mga pasyenteng may COVID-19 na makalabas ng isolation facilities para bumoto sa mga presinto sa halalan sa May 9.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaring magtakda ang Comelec ng mga alternatibong paraan para makaboto ang mga pasyenteng may COVID-19.

Inihayag naman ni Atty. Leylann Manuel, Comelec Employees Union-Nueva Ecija Chapter President, na ang pinapayagang lamang ng poll body ay mga mayroong sintomas ng COVID-19 at hindi ang mga positibo ang test results.

Una nang inanunsyo ng Comelec na plano nilang maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na mayroong sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan.

Sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri na kabilang ito sa mga hakbang na ikinu-konsidera ng poll body upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante sa eleksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *