Deployment ng mga balota na gagamitin sa May 9 elections sinimulan na ng Comelec

Deployment ng mga balota na gagamitin sa May 9 elections sinimulan na ng Comelec

Inumpisahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagde-deploy ng mga balota na gagamitin sa May 9 national at local elections.

Ayon sa poll body, kabilang sa unang nai-deploy mula sa Comelec warehouse sa Pasig City ang mga balota patungo sa mga City at Municipal Treasurer’s Office sa buong bansa.

Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, pinuno ng komite na in-charge sa shipping ng mga balota, na umaasa silang matatapos ang deployment sa May 5.

Tiniyak din ni Ferolino sa publiko ang security measures para protektahan ang mga balota habang ibinabiyahe patungo sa kanilang mga destinasyon.

Natapos ng Comelec ang printing ng 67.4 million na official ballots para sa nalalapit na halalan noong April 2. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *