Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 6.2 na lindol sa lalawigan 5:57 ng umaga ngayong Huwebes, April 21.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 65 kilometers southeast ng bayan ng Manay.
35 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV:
– Manay, Mati City, Caraga, and San Isidro, Davao Oriental
Intensity III:
– Banganga, Tarragona, and Cateel, Davao Oriental
– Davao City
– Panabo, Davao del Norte
– Malungon, Sarangani
Intensity II:
– Digos City and Hagonoy, Davao del Sur
– General Santos City; Tupi, and Tampakan, South Cotabato
Intensity I:
– Cagayan de Oro City
Noong umaga ng April 19 nakapagtala ng malakas na magnitude 6.2 na lindol sa bayan din ng Manay sa Davao Oriental. (DDC). (DDC)