Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton umakyat na sa P2.3B

Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton umakyat na sa P2.3B

Umabot na sa 2.3 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Bagyong Agaton sa mga pananim.

Batay sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 54,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Kabuuang 25,632 na ektarya ng mga pananim ang nasira.

Umabot naman sa P37.5 million na halaga ng livestock at poultry ang napinsala.

Ayon sa DA, 71,893 na mga manok, baboy, baka, kalabaw, kambing, bibe, kabayo at turkey ang nasawi.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naglaan na ang DA ng P715.47 million na halaga ng tulong sa mga naapektuhan.

Kabilang dito ang P500 million na halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng sa mga naapektuhang lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *