Mga bumiyahe noong Holy Week pinayuhang mag-self monitor sa posibleng sintomas ng COVID-19
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bagaman inaasahan na nila na marami ang lalabas, bibiyahe, at dadalo sa religious activities noong Holy Week break ay hindi nila akalain na babalewalain ng mga tao ang health protocols.
Idinagdag ni Vergeire na ang hindi pagtalima sa health protocols ay maaring magresulta ng hawaan ng COVID-19.
Aniya, nakatanggap sila ng mga reports at social media posts kung saan makikita ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga parties at beach nang walang suot na masks.
Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga bumiyahe nitong Holy Week na mag-self-monitor para sa mga sintomas sa loob ng lima hanggang pitong araw.
Sakaling makaranas sila ng sintomas, agad na nilang i-isolate ang kanilang sarili upang hindi na makapanghawa pa.
Para naman sa mga nagpenitensya noong mahal na araw, pinayuhan ng doh ang mga ito na magtungo sa mga health centers upang magamot ang kanilang mga sugat. (DDC)