Operasyon ng konsulada ng Pilipinas sa New York sinuspinde; karamihan sa mga staff nagpositibo sa COVID-19
Suspendido simula ngayong araw (April 20) ang operasyon Philippine Consulate General sa New York.
Batay sa abiso ng konsulada hindi rin muna itutuloy ang naka-schedule na consular outreach mission sa Sabado sa Bergenfield, New Jersey.
Ito ay makaraang karamihan sa mg astaff ng konsulada ang nagpositibo sa COVID-19.
Ang iba naman na negatibo ang resulta sa test ay kailangan ding mag-self monitor dahil na-expose sila sa mga nagpositibo.
Sa nakalipas na mga araw naging abala ang mga staff ng konsulada nang dumating ang mga election ballots noon lamang Lunes.
Ayon sa pahayag ng konsulada karamihan sa mga staff ay pagod at kulang sa tulog dahilan para mas naging madali na madapuan sila ng virus.
Sa Lunes, April 25 magre-resume ang normal operations ng konsulada. (DDC)