Special Vaccination Days sa BARMM at iba pang mga lugar simula na ngayong araw
Inumpisahan na ngayong araw ang Special Vaccination Days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at iba pang mga lugar na may mababang vaccination rate.
Ayon sa Department of Health (DOH), simula ngayong araw hanggang sa April 22, ang Bayanihan bakunahan ay idaraos sa Region XII, Negros Oriental at Negros Occidental.
Sa April 25 hanggang April 26 ang Vaccination Days ay isasagawa sa Palawan.
Para naman sa buwan ng Mayo, narito ang schedule ng bakunahan:
May 5 to 7
– Marawi City
May 11 to 13
– Lamitan City
– Sulu
May 11 to 13 and May 16 to 18
– Basilan
May 16 to 20
– Lanao del Sur
May 17 to 19
– Maguindanao
May 18 to 20
– Tawi-tawi
Paalala ng DOH, hindi ipinagbabawal ang pagtanggap ng bakuna sa panahon na nag-aayuno ang mga kapatid na Muslim ngayong Ramadan.
Batay ito mismo sa Office of the Bangsamoro Mufti.
Base sa datos, halos 28 percent pa lamang ng target population sa BARMM ang fully-vaccinated. (DDC)