VP Leni Robredo nakapagtala ng 42.4 percent disapproval rating sa nakalipas na Pahayag Survey

VP Leni Robredo nakapagtala ng 42.4 percent disapproval rating sa nakalipas na Pahayag Survey

Nakatanggap si Vice President Leni Robredo ng negative net approval rating sa Pahayag First Quarter survey ng Publicus na isinagawa noong March 30 hanggang April 6, 2022.

32.3 percent ng 1,500 respondents ang nagsabing aprub sa kanila ang performance ni Robredo sa nakalipas na 12 buwan, habang 42.4 percent ang nagsabi ng kabaliktaran, dahilan para makakuha ang bise presidente ng -9.9 percent na net approval rating.

Sa matataas na opisyal ng pamahalaan, tulad ng presidente, bise presidente, senate president, house speaker at chief justice, tanging si Robredo ang nakatanggap ng mas maraming disapproval votes kaysa approval votes mula sa respondents.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatanggap ng pinakamataas na net approval rating na 52 percent (67.2 percent approval, 15.2 percent disapproval), kung saan napanatili nito ang mataas na approval rating ilang buwan na lamang ang natitira bago ang kanyang pagbaba sa kapangyarihan sa Hunyo.

Nakatanggap naman sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ng +15.8 percent na net approval ratings; Chief Justice Alexander Gesmundo, +8.2 percent; at House Speaker Lord Allan Velasco na may +2.3 percent.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *