Netflix nabawasan ng 200,000 subscribers
Dalawangdaang libo ang nabawas sa subscriber ng Netflix sa unang quarter ng taong 2022.
Sa first quarter report ng Netflix, mayroon itong 221.6 million subscribers. Ayon sa Netflix, posibleng mabawasan pa ng 2 milyon ang kanilang subscribers sa ikalawang quarter ng taon.
Dahil sa pagbaba ng subscribers, bumaba din sa $1.5 billion ang kinita ng netflix sa huling bahagi ng 2021, na mas mababa kumpara sa $1.7 billion na kita sa 3rd quarter ng 2021.
Kabilang sa nakikitang dahilan sa pagbaba ng subscribers ng Netflix ay ang kompetisyon sa traditional media companies na nitong mga nagdaang taon ay gumagamit na din ng streaming.
Laganap din ang password sharing o ang pagpapahiram ng account ayon sa Netflix.
Ayon sa kumpanya, maliban sa kanilang 222 million paying households, mayroong tinatayang 100 million households na gumagamit ng Netflix sa pamamagitan ng shared accounts.
Dahil sa nangyari, tiniyak ng Netflix na gagawa ng mga hakbang para mas mapagbuti pa ang kanilang serbisyo sa lahat ng aspeto kabilang ang pagbibigay ng de kalidad na mga programa. (DDC)