Limang lungsod sa NCR hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19
Limang lungsod sa Metro Manila ang walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon, April 19.
Sa breakdown mula sa OCTA Research, walang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Malabon, Muntinlupa, Navotas, Pasig at Valenzuela.
158 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa buong bansa kahapon na pinakamababa ngayong taon.
Sa nasabing bilang 69 cases ang naitala sa Metro Manila.
Ang Pasay City ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso na 24 cases.
Kasunod ang Taguig City na may 10 kaso, Maynila na may 9 na kaso, Quezon City -7 cases, Caloocan – 6 cases, Makati – 4 cases, Parañaque – 3 cases, Las Piñas – 2 cases at tig-iisang kaso ang naitala sa Mandaluyong, Marikina, San Juan, at Pateros. (DDC)