Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Oriental

Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Oriental

Magkakasunod na may kalakasang lindol ang naitala simula kaninang madaling araw sa Manay, Davao Oriental.

Ang mga pagyanig ay aftershocks ng tumamang magnitude 6.2 na lindol sa bayan ng Manay kahapon (Apr. 19) ng umaga.

Narito ang magnitude ng mga pagyanig na naitala sa Davao Oriental simula kaninang madaling araw:

12:36AM – Magnitude 4.4 – Manay, Davao Oriental
1:51AM – Magnitude 5.0 – Manay, Davao Oriental
2:28AM – Magnitude 4.9 – Manay, Davao Oriental

Samantala, nakapagtala din ang Phivolcs ng magkasunod na lindol sa Balut Island, Davao Occidental at sa Tarragona, Davao Oriental.

Alas 5:20 ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.5 na lindol sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

141 kilometers ang lalim ng pagyanig.

Naitala naman ang magnitude 4.1 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental, 5.38 ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *