Pulong ni presidential candidate Ka Leody De Guzman sa Bukidnon pinaputukan; ilang IPs ang nasugatan

Pulong ni presidential candidate Ka Leody De Guzman sa Bukidnon pinaputukan; ilang IPs ang nasugatan

May naganap na pamamaril sa pagbisita ni presidential candidate at labor leader Ka Leody De Guzman sa Quezon, Bukidnon.

Sa pahayag ng Partido Lakas ng Masa (PLM), pinaputukan ang pagtitipon ni De Guzman kasama ang mga lider ng Manobo-Pulangiyon sa Brgy. Butong sa nasabing bayan.

Ang nasabing tribo ayon sa PLM ay hayag na nagrereklamo sa landgrabbing sa kanilang ancestral land.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni De Guzman na ligtas siya at mga kasama niyang sina Roy Cabonegro at David D’angelo.

Tinamaan naman ang katabi niya noon sa pulong na si Nanie Abela na organizer ng mga magsasaka sa Mindanao.

Tinamaan din ang isang lider ng tribong Manobo-Pulangiyon.

“Alam nating mayayaman at makapangyarihan ang ating binabangga sa labang ito. Ngunit ibang klase pa rin kapag talagang direkta tayong dinahas. Walang halaga sa kanila ang buhay nating mga maliliit,” ayon kay De Guzman.

Inaalam pa kung ano ang kalagayan ng mga tinamaan ng bala sa nasabing aktibidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *