BSP nagbabala sa publiko sa pagbili ng P20 at P5 coins sa mas mataas na halaga
Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga online sellers ng P20 at P5 coins na ibinebenta ang mga ito sa mas mahal na halaga.
Ayon sa inilabas na abiso ng BSP, nasa sirkulasyon pa ang dalawang coins kaya hindi pa kailangang bilhin ang mga ito ng mas mahal.
Katunayan sinabi ng BSP na sa ngayon ay mayroong 290.09 million na piraso ng P20 new generation currency coins at 1.90 billion na piraso ng enhanced P5 coin ang nasa sirkulasyon.
Kamakailan nagkalat sa Facebook ang mga anunsyo na bumibili sila ng P20 coins sa halagang P600 bawat isa. (DDC)