Mahigit 30,000 na PNP personnel lalahok sa Local Absentee Voting
Mahigit 30,000 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang lalahok sa local absentee voting para sa 2022 national elections sa loob ng tatlong araw.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, Brig. Gen. Roderick Alba, kabuuang 26,813 na pulis na nakatalaga sa police regional offices at 3,248 mula sa national headquarters sa Camp Crame, ang lalahok sa absentee voting sa April 27, 28 at 29.
Aniya, maaring silang bumoto sa mga nabanggit na petsa simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame, sa Quezon City para sa mga Crame-based PNP personnel.
Ang mga Police Provincial Offices naman ang in-charge sa venue ng local absentee voting para sa PNP personnel na nakatalaga sa police regional offices.
Ang paraan ng pagboto sa local absentee voting ay mano-mano kaya kailangang isulat ang pangalan ng mga kandidato sa balota.
Ang kailangan lamang nilang iboto ay presidente, bise presidente, labindalawang senador at isang party-list group. (DDC)