Mahigit 25,000 na Family Food Packs naipamahagi na sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas
Nakapag-pamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ng 25,548 family food packs bilang paunang tulong sa mga biktima ng bagyong Agaton.
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Joshua Kempis, as of April 17 ng gabi, 3,600 food packs ang ni-release sa Guiuan, Eastern Samar; at 12,000 sa Abuyog, 4,823 sa Mahaplag, 2,000 sa Baybay City, 1,800 sa Inopacan, at 1,325 sa Javier, sa Leyte.
Bawat food pack para sa isang pamilya na nagkakahalaga ng 500 pesos ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, dalawang lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachets ng kape, at limang sachets ng energy drink. (JM Somino)