Davao Archbishop muling itinalaga ni Pope Francis sa puwesto sa Vatican
Muling itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) sa Vatican.
Ipinaabot kay Valles ang kaniyang reappointment sa pamamagitan ni Vatican Secretariat of State to Archbishop Arthur Roche.
Ang Divine Worship Office ng Vatican ang humahawak sa mga usapin kaugnay sa liturgical dimensions ng Church life, partikular sa fostering at safeguarding ng disiplina at tamang pagdaraos ng mga misa.
Nagpasalamat naman si Valles sa panibagong limang taon na ibinigay sa kaniya para magserbisyo.
Noong Oct 2016 nang unang hirangin ng Santo Papa si Valles at 26 na iba pang Obispo mula sa ibang mga bansa para maging miyembro ng CDW.
Si Valles ay naging presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). (DDC)