Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

(UPDATE) Tumama ang malakas na magnitude 6.2 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 57 kilometers southeast ng bayan ng Manay, 9:23 ng umaga ngayong Martes, April 19.

May lalim na 18 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV:
– Manay, Tarragona, and Lupon, Davao Oriental
– Hinatuan, Surigao Del Sur
– Mati City
– Bislig City

Intensity III:
– Don Marcelino, Davao Occidental
– Cateel and Baganga, Davao Oriental
– Tandag City, Surigao Del Sur
– Davao City

Intensity II:
– Bansalan, Davao Del Sur

Intensity I:
– Matalam, Cotabato

Matapos ang nasabing pagyanig ay nakapagtala na ng magkakasunod na aftershocks ang Phivolcs.

Kabilang dito ang magnitude 4.4 na naitala 10:26 ng umaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *