Mahigit 700 LGUs sa bansa nagsasagawa na ng house-to-house vaccination
Mayroon nang mga local government units (LGUs) ang nagsasagawa na ng house-to-house COVID-19 vaccination.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa 1,734 na LGUs sa bansa, mayroon nang 750 na cities at municipalities ang nagsasagawa na ng house-to-house vaccination.
Ito ay para matiyak na mas marami pang maaabot ang vaccination program ng pamahalaan.
Hinikayat ni Año ang lahat ng mga LGUs na magsagawa ng house-to-house vaccination upang makarating ang bakuna sa mga nangangailangan. (DDC)