Operasyon ng e-sabong noong Biyernes Santo kinuwestyon sa senado
Kinuwestyon ni Senator Francis Tolentino ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) makaraang matuklasan na may naganap na e-sabong kahit noong Biyernes Santo.
Sa pagdining ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa mga kaso ng nawawalang sabungero, binanggit ng senador na tila bigo ang PAGCOR na gawin ang tungkulin nitong i-regulate ang e-sabong.
Nakakagulat ayon kay Tolentino na kahit noong Biyernes Santo ay may nagpatuloy na operasyon ng e-sabong.
Ani Tolentino maging ang mga casino at mga commercial establishments ay pansamantalang tumigil sa operasyon para sa Good Friday. (DDC)