Comelec magsasagawa ng Vote Counting Machine Demo & Experience sa mga mall ng SM
Magsasagawa ng demo sa paggamit ng Vote Counting Machine ang Commission on Elections (Comelec).
Lumagda sa kasunduan ang Comelec kasama ang SM Supermalls para sa pagsusulong ng Vote Counting Machine Demo & Experience.
Ayon kay Comelec Spkesperson James Jimenez, maaring sumali ang mga mallgoers sa gagawing mock voting exercise.
Isasagawa ang aktibidad simula April 20 hanggang April 24, 2022 para sa Metro Manila, Region 3 at Region 4A.
Sa April 22 hanggang 24 naman sa iba pang rehiyon sa bansa.
Sa isinagawang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement kinumpirma ni SM Supermalls Pres. Steven T. Tan na lalahok ang 78 SM malls sa buong bansa sa naturang aktibidad. (DDC)