Omicron XE hindi pa nakakapasok sa bansa ayon sa WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO) – Philippines na wala pang naitatalang kaso ng Omicron XE sa Pilipinas.
Pahayag ito ni acting Representative Dr. Rajendra Yadav makaraang makapasok na ang Omicron XE sa ibang mga bansa.
Ayon kay Yadav, lahat ng Omicron variants ay mahigpit na sinusubaybayan ng WHO at ang mga ito ay equally little more transmissible tulad ng BA.2.
Patuloy din aniya ang pagbabantay ng WHO sa mga bagong Omicron recombinants gaya na lamang ng BA.4 at BA.5 na natuklasan sa South Africa at Europe.
Sinabi ni Yadav na mahalaga ang pagpapatuloy ng proactive measures ng local government units laban sa anumang variant ng COVID-19.
HIndi na aniya kailangang hintayin pang magkaroon ng bagong variant of interest o variant of concern bago magsagawa ng karampatang hakbang. (DDC)