Presyo ng produktong petrolyo tataas muli ngayong linggo
Matapos ang bahagyang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo, may pagtaas muli ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, tataas ng P1.70 ang presyo ng kada litro ng diesel.
45 centavos naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang taas-presyo bukas (Apr. 19) ng umaga. (DDC)