SIM Card Registration Bill target muling ihain matapos i-veto ni Pangulong Duterte

SIM Card Registration Bill target muling ihain matapos i-veto ni Pangulong Duterte

Mulilng isusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang SIM Card Registration Bill matapos itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon ng nasabing panukalang batas na pagkakaroon ng mandatory registration ng mobile phone sibscriber identity module o SIM card.

Ayon kay Gatchalian, kung muli siyang mabibigyang pagkakataon sa senado ay ihahain niya muli ang panikalang batas.

Si Gatchalian ang author ng Senate Bill 176 a An Act Requiring the Registration of All Users of Prepaid SIM Cards,

Sa pahayag sinabi ng Malakanyang na naniniwala si Pangulong Duterte na kailangan pa ng dagdag na pag-aaral ng nasabing panukala.

Ani Gatchalian, naaabuso ng mga kriminal ang paggamit ng SIM Cards sa kanilang mga ilegal na aktbidad.

Kung maipapasa ang pagpaparehistro ng mga SIM Cards, mas magiging mahirap para sa masasamang loob na gamitin ito sa kanilang ilegal na gawain. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *