Mahigit 31,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan

Mahigit 31,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan

Marami pang mga biyahero ang nagbabalikan matapos ang mahabang bakasyon nitong nagdaang Holy Week.

Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, nakapagtala ng mahigit 31,000 outbound at inbound passengers sa iba’t ibang pantalan sa bansa mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga ngayong Lunes, April 18.

Sa nasabing bilang, 15,764 ang outbound passengers at 15,456 naman ang inbound passengers.

Mayroong 2,367 na tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga pantalan sa bansa.

Umabot naman sa 149 na barko at 73 motorbancas ang naisailalim nila sa inspeksyon.

Ang pagsasailalim sa ‘heightened alert’ sa lahat ng Coast GUard districts, stations, at sub-stations ay hanggang ngayong araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *