MRT-3 balik-operasyon; libreng sakay magpapatuloy
Naging matagumpay ang Holy Week Maintenance shutdown sa MRT-3.
Balik-biyahe na ang mga tren ng MRT-3 ngayong araw, April 18, 2022, matapos ang isinagawang maintenance shutdown kung saan ay nagsagawa ng pagkukumpuni at pagmimintina ng mga equipment at subsystem ng linya.
Sa muling pagbabalik-operasyon ng MRT-3 ay patuloy ang libreng sakay para sa mga pasahero nito na tatagal hanggang April 30, 2022.
Nasa 100% pa rin ang kapasidad ng mga tren, na may katumbas na 394 na pasahero kada bagon o train car, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set.
Ang 4-car train set ay kaya namang makapagsakay ng 1,576 na pasahero. (DDC)