Apela ng DOH, i-veto ang Vape Bill
Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) na i-veto ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act o tinawag na “vape bill.
Ayon sa DOH, tumataas ang tyansa na mag-eksperimento sa pinagbabawal na droga at alak ang mga gumagamit ng vape.
Sa ilalim ng panukalang batas na naipasa na sa Kamara at Senado, ibababa sa 18 ang edad ng mapapayagang makabili ng vaping products.
Sa kasalukuyan ang 21 ang age limit para sa pagbili ng nasabing produkto.
Ayon sa DOH, sa edad na mid 20s vulnerable ang mga kabataan na magkaroon ng risky behaviours.
Ang layunin ayon sa DOH ay ang tuluyang mapatigil ang mga gumagamit ng sigarilyo at hindi ang mag-shift sila sa vape.
Apela ng DOH, iwasan o ihinto ang paggamit ng vape dahil wala itong magandang maidudulot sa kalusugan.
Para sa mga nais humingi ng tulong upang makahinto sa paggamit ng vape, maaring tumawag sa DOH Quitline na 1558 (Toll-free Nationwide). (DDC)